Ngayong marunong na akong sumulat ng isang tula
Bakit sayo'y parang baliwa, ni di man lang tumatak sayong gunita
Ngayong marunong na akong sumulat ng isang awitin
Bakit parang hindi ka pa rin nito kayang paibigin
Kulang pa ba ang mga katagang aking nilikha
Upang sayo'y mapadama tunay na damdamin na nadarama?
Kulang pa ba ang mga rithmo ng aking awitin
Upang ikaw makaya nitong paibigin?
Sana'y iyong sabihin ang mga dapat kong gawin
Upang sa pagbuo ng panibagong tula
ay tumatak na sayong gunita ang bawat katagang aking nilikha
Sana'y iyong sabihin ang mga dapat kong gawin
Upang sa paglapat ko ng tugtugin sa aking mga awitin
ay makaya ka na nitong paibigin
Upang akin nang muling madama ang pagibig
na minsan mo ng kinuha
Upang lubusan ko na muling maranasan ang salitang "Kasiyahan"
Monday, January 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hmmm... sounds familiar....
" Upang lubusan ko na muling maranasan ang salitang "Kasiyahan" "
" At upang akin na muling maranasan ang ibig sabihin ng salitang “KASIYAHAN” "
hmmm..... db??? ang galing ko talaga.... pagnalaman mo ang tinutukoy ko, bilib na talaga ako sau... wahahah:D
keep safe!!! >:D<
ahahaha.. super drama :))
happy valentine's day!!!
xoxo
Post a Comment